Skip to content

Site Visit and Sub-project Monitoring in Bicol Region

  • by

๐“๐ˆ๐๐†๐๐€๐: Ang Department of Agriculture โ€“ Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) ay nagsagawa muli ng site visitation at sub-project monitoring sa Bicol Region noong Setyembre 1โ€“5, 2025.

Layunin ng aktibidad na ito na malaman ang kasalukuyang kalagayan ng mga naipamahaging interbensyon, suriin ang naging epekto ng mga ito, at tukuyin ang mga karagdagang suportang kinakailangan upang higit pang mapaunlad at maiangat ang kabuhayan sa kanilang Lupaing Ninuno.

Sa nasabing gawain, sinimulan din ang inisyatibo ng programang Signature Commodity in Ancestral Domain (SCAD), na naglalayong tulungan ang isang Lupaing Ninuno na magkaroon ng natatanging produktong kinikilala sa kanilang komunidad. Ang development plan na ito ay makatutulong sa ating mga Kababayang Katutubo upang higit na mapaunlad ang kanilang pamayanan at magkaroon ng sariling pagkakakilanlan sa pamamagitan ng kanilang produkto.

Kabilang sa mga binisitang IPOs ang Tadyong Tribal Farmers Association, Inc. sa Iriga City, Camarines Sur; Minadongjol Katutubong Agta Farmers Association at Tribal Farmers and Workers Association sa Sagรฑay, Camarines Sur; at Mabini Indigenous Peoples Farmers Association sa Donsol, Sorsogon.

Lubos na pasasalamat sa RPMO V para sa kanilang tulong at suporta sa isinagawang site visit. Pasasalamat din sa NCIP at sa kani-kanilang LGU para sa kanilang pakikiisa at aktibong pakikilahok.

#4KProgram
#Sitevisit
#KababayangKatutubo
#L4KbayIP