๐๐๐๐๐๐๐: Nagsagawa ang Department of Agriculture โ Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Progream ng Gender and Development Training: Fostering Gender Equality Through Sensitivity and Inclusive Language sa Dipolog, Zamboanga del Norte noong Setyembre 8โ12, 2025.
Layunin ng training na ito na mas maintindihan ng mga participants ang gender sensitivity at matutunan kung paano matukoy ang gender bias sa wika at gawain na nagdudulot ng inequality. Isa rin sa mga goals nito ay maturuan sila ng tamang paggamit ng gender-fair language sa written at verbal communication upang maging inclusive at respectful sa lahat ng kasarian.
Kasama rin sa layunin ng training ang pag-promote ng gender-sensitive practices sa ibaโt ibang organizations at communities. Sa ganitong paraan, mahihikayat ang mga kalahok na i-challenge ang stereotypes at diskriminasyong wika at makibahagi sa discussions at activities na nagtutulak ng equal rights at respeto para sa lahat.
Nagkaroon din ng workshops para maging mas interactive at meaningful ang activity, kung saan mas nahasa ang participants sa paggamit ng gender sensitivity at sa tamang paraan ng pag-submit ng data.
Lubos ang pasasalamat sa ating mga naging resource speaker na sina Macario T. Jusayan, Chief of SCDโPCW, at May Angelica A. Saludez, Senior GAD Specialist ng PCW, pati na rin sa Host Region IX para sa kanilang suporta sa matagumpay na pagsasagawa ng activity.
#GAD
#GenderSensitive
#GenderEquality
#GenderResponsive



































