๐๐๐๐๐๐๐: Nagsagawa ang Department of Agriculture – Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program ng isang Signature Commodity in Ancestral Domain Development Planning Consultation and Workshop para sa Mindanao Cluster na ginanap sa Apo View Hotel, Davao City noong Setyembre 22-26, 2025.
Ang layunin ng workshop na ito ay upang ipakita ng ating mga Kababayang Katutubo ang kanilang mga nagawang Development Plan na may kinalaman sa kanilang Signature Commodity in Ancestral Domain at makipagtulungan sa ibaโt ibang ahensya ng gobyerno at mga pribadong sektor upang matulungan sa pagpapalago ng kanilang mga produkto. Isa rin itong pagkakataon para matulungan ang mga komunidad ng mga Katutubo na magkaroon ng natatanging mga produkto na kinikilala sa kanilang mga lupain at komunidad. Ang development plan na ito ay magbibigay daan upang higit pang mapabuti ang kanilang mga pamayanan at magkaroon ng malalim na pagkakakilanlan sa pamamagitan ng kanilang mga produkto.
Ang mga Indigenous People Organizations (IPOs) na nakibahagi mula sa ibaโt ibang rehiyon ng Mindanao ay kinabibilangan ng: Rehiyon 9: Siayan Lupa Pusaka Subanen Association, Rehiyon 10: Minabtan Sumonda Higaonon Tribal Organization, Inc., Rehiyon 11: Ata Paraiso Tularo Association (APATA), Rehiyon 12: Masaganang Nayon sa Baluan (MASANAB) Farmers Association, at Rehiyon 13: Kahugpungan sa Tribung Mamanwa sa Komunidad sa Tiltilan.
Lubos na pasasalamat sa lahat ng mga Regional Field Offices (RFOs) ng Mindanao Cluster at sa ating mga stakeholders na dumalo at nagbigay ng kanilang input at insights upang mapalakas ang mga programa at proyekto para sa mga Kababayang Katutubo. Ang kanilang suporta ay mahalaga upang makamit ang isang matagumpay na pag-unlad para sa mga komunidad ng Katutubo.
#4KProgram
#SignatureCommodity
#SCAD
#PAraSaKababayangKatutubo












































