๐๐๐๐๐๐๐: Ipinagpatuloy ng Department of Agriculture – Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program ang Signature Commodity in Ancestral Domain Development Planning Consultation and Workshop para naman sa Rehiyon CAR, I, at II na ginanap sa Tuscany Basic Urban Stay, Baguio City noong September 29 – October 3, 2025.
Ang layunin ng workshop na ito ay upang maipresenta ng ibaโt ibang Indigenous Peoples Organization (IPO) ang kanilang Development Plan on Signature Commodity in Ancestral Domain. Sa pamamagitan nito, nabigyan sila ng pagkakataon na maibahagi ang kanilang mga plano at makatanggap ng komento at suhestiyon mula sa ibaโt ibang sektor ng gobyerno, mga pribadong organisasyon, at iba pang stakeholders kung paano magtutulungan upang mas mapaunlad pa ang mga produktong ipinagmamalaki ng bawat komunidad. Ito rin ay nagsilbing oportunidad upang mas makilala ang kanilang mga produkto batay sa kani-kanilang organisasyon at magkaroon ng potensyal na merkado.
Ang mga IPOs na nakibahagi mula sa mga nabanggit na rehiyon ay ang Maeng Tubo Ancestral Domain Indigenous Peoples Organization mula sa CAR, Sugpon Indigenous Peoples Organization mula sa Region I, at Belance Bugkalot Tanuyan Farmers Association mula sa Region II.
Lubos na pasasalamat sa lahat ng nakibahagi at dumalo sa workshop na ito, lalo na kay Hon. Daniel Laรฑo, Jr., Mayor ng Sugpon, Ilocos Sur, sa kanyang aktibong partisipasyon at suporta sa aktibidad.
#4KProgram
#SCAD
#SignatureCommodity
#ParaSaKababayangKatutubo





































