Skip to content

Sub-project Monitoring and Site Visitation in Central Visayas and Negros Island Region

๐๐€๐’๐€๐‡๐ˆ๐: Ipinagpatuloy ng Department of Agriculture โ€“ Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program ang kanilang sub-project monitoring at site visitation sa Central Visayas at Negros Island Region noong Oktubre 13โ€“17.

Layunin ng aktibidad na ito na mabisita at makausap ang ating mga Kababayang Katutubo, malaman ang kasalukuyang kalagayan ng mga naipamahaging interbensyon, suriin kung ano ang naging epekto ng mga ito, at matukoy ang mga karagdagang suportang kailangan upang lalo pang mapaunlad ang kabuhayan sa kanilang Lupaing Ninuno.

Bumisita rin ang team sa Signature Commodity in Ancestral Domain (SCAD) area ng Rehiyon 7 upang makita nang personal ang kalagayan ng kanilang produksyon at makapagbigay ng mga rekomendasyon kung paano pa ito mapapaunlad, pati na rin ang kabuuang pag-unlad ng kanilang komunidad.

Sa Bohol, ang mga binisitang IPOs ay ang Taytay Eskaya Tribe Farmers Association (TAYETFA), Lumad Multipurpose Cooperative, Canta-ub Visayan Eskaya Farmers Association (CAVESFA), at Chapter Compound Multipurpose Cooperative (CCMPC).

Samantala, sa Negros Oriental, kabilang sa mga nabisita ang Maglinao Bal-os Bongalonan Tribe Bukidnon Magahat, Maglinao Linantayan Bukidnon Magahat Indigenous Cultural Community Association, Cabatuan Hill Tribe Association Inc. (CHTAI), Lamdas Indigenous Coconut Farmers and Water Association, at Mayaposi Kapunongnan sa Atang Mag-uuma.

Lubos ang pasasalamat ng DA-4K sa Rehiyon 7 at NIR teams sa kanilang tulong at pakikiisa sa aktibidad na ito. Pasasalamat din kay Ms. Lilibeth Gallebo ng OSEC sa kanyang pagdalo at pagsama sa buong gawain.

#4KProgram
#SCAD
#L4KbayIP
#KababayangKatutubo
#Sitevisit
#Subprojectmonitoring