Skip to content

Crops Selection and Diversification: Agroforestry and Permaculture Training and Workshop

๐๐€๐’๐€๐‡๐ˆ๐: Ang Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program ay nagsagawa ng Crops Selection and Diversification: Agroforestry and Permaculture Training and Workshop sa Hotel Valencia, Sayre Highway, Valencia City, Bukidnon noong October 20โ€“24, 2025.

Layunin ng workshop na ito na maturuan ang ating mga Katutubo tungkol sa tamang pagpili at pagsasama ng ibaโ€™t ibang pananim gamit ang mga principles ng agroforestry at permaculture. Sa pamamagitan nito, mas mapapalakas ang kanilang kaalaman at kakayahan sa sustainable farming, habang pinagsasama ang tradisyunal na kaalaman ng mga Katutubo at ang mga makabagong pamamaraan sa pagsasaka.

Ang naging speaker ng aktibidad ay si Mr. Agustin R. Mercado, Jr., PhD, isang Conservation Farming and Agroforestry Specialist. Nagbahagi sya ng kanyang kaalaman tungkol sa agroforestry at permaculture, kung saan ipinaliwanag niya ang mga basic principles o fundamentals nito at kung paano ito makatutulong sa mas maayos at sustainable na pagsasaka. Bukod dito, binigyang-diin din niya ang tamang soil and water management upang mapanatiling mataba ang lupa at maging tuloy-tuloy ang magandang ani.

Pagkatapos ng discussion, nagkaroon din ng workshop kung saan na-apply ng mga participants ang kanilang mga natutunan. Nagkaroon din ng farm visit kung saan nakita nila mismo ang mga best practices sa pagtatanim at natuto pa sila ng mga paraan kung paano mas mapalago ang kanilang mga pananim.

Lubos ang pasasalamat sa lahat ng dumalo sa workshop at sa Region 10 sa kanilang suporta at tulong upang maisagawa ang matagumpay na aktibidad na ito.

#4KProgram
#ParaSaKatutubo
#CropsSelection
#CropsDiversification