Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng ๐๐๐ ๐ฉ๐ข๐ซ๐๐ฌ๐จ ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐-๐ซ๐๐ง๐ ๐ ๐๐ก๐ข๐๐ค๐๐ง๐ฌ sa ๐๐ง๐ญ๐ข๐ฉ๐จ๐ฅ๐จ ๐๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐ง๐๐ฒ, ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Department of Agriculture โ Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo.
Layunin ng inisyatibong ito na palakasin ang kabuhayan ng mga kababayang katutubo, mapabuti ang seguridad sa pagkain, at makapagbigay ng napapanatiling mapagkakakitaan sa mga benepisyaryong pamilya. Sa pamamagitan ng free-range chicken raising, inaasahang magkakaroon ang mga kalahok ng karagdagang pinagkukunan ng pagkain at kita na makatutulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng kanilang sambahayan.
Ang proyektong ito ay hindi lamang simpleng pamamahagi ng tulong, kundi isang pamumuhunan sa kakayahan, kasipagan, at kinabukasan ng komunidad. Pinagtitibay nito ang adbokasiya ng pamahalaan sa pagsusulong ng inklusibo at pangmatagalang kaunlaran, lalo na para sa mga sektor na nangangailangan ng higit na suporta.
#DepartmentOfAgriculture
#4KProgram
#EmpoweringIndigenousPeoples
#4kcalabarzon



