Bilang patuloy na pagsuporta sa kabuhayan at seguridad sa pagkain ng ating mga Kababayang Katutubo, matagumpay na isinagawa ang pamamahagi ng ๐๐ ๐ง๐ ๐ฌ๐๐ค๐จ ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ก๐ข ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ข๐ฌ sa Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal para sa mga benepisyaryo ng Department of Agriculture โ Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (DA-4K).
Ang programang ito ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga benepisyaryo na magkaroon ng sariling produksyon ng pagkain at mapalawak ang kanilang pinagkakakitaan. Sa pamamagitan ng mga de-kalidad na binhi, inaasahang magkakaroon ng masaganang ani na magsisilbing pundasyon ng pangmatagalang kabuhayan at kaunlaran ng komunidad.
Ang simpleng pamamahagi ng binhi ay simbolo ng mas malalim na adhikainโang pagtatanim ng pag-asa, kasipagan, at pagkakaisa. Sama-sama nating itinatanim ang binhi ng kaunlaran para sa mas matatag at mas maunlad na kinabukasan ng ating mga Kababayang Katutubo.
#DepartmentofAgriculture
#4KProgram
#EmpoweringIndigenousPeoples
#4KCalabarzon



