Matagumpay na isinagawa ang pamamahagi ng mga interbensyon sa ๐๐ง๐ญ๐ข๐ฉ๐จ๐ฅ๐จ ๐๐ข๐ญ๐ฒ, ๐๐ข๐ณ๐๐ฅ sa pangunguna ng Department of Agriculture โ Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (DA-4K). Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Kagawaran na itaguyod ang inklusibong kaunlaran at palakasin ang kabuhayan ng ating mga kababayang katutubo.
Sa pamamagitan ng programang ito, layunin ng DA-KKKK na bigyan ng kinakailangang suporta ang mga benepisyaryo upang mapaunlad ang kanilang produksyon sa agrikultura, mapalakas ang kanilang kakayahang kumita, at maisulong ang pangmatagalang seguridad sa pagkain. Higit sa lahat, binibigyang-diin ng inisyatibang ito ang pagkilala sa mahalagang papel ng mga katutubong pamayanan sa pagpapanatili ng likas-yaman at paghubog ng mas matatag na sektor ng agrikultura.
Patuloy na isinusulong ng Department of Agriculture ang mga programang nakatuon sa kabuhayan, kaunlaran, at kapakanan ng bawat Pilipino, lalo na ng mga nasa laylayan ng lipunan. Sama-sama nating tinatahak ang landas tungo sa mas maunlad, mas inklusibo, at mas matatag na kinabukasan para sa ating mga kababayang katutubo.
#DepartmentOfAgriculture
#4KProgram
#4KProgram
#empowerwomen
