Skip to content

AGRI-ENTREPRENEURSHIP TRAINING

BASAHIN: Nagsagawa ang Department of Agriculture – Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program ng isang Agri-Entrepreneurship Training noong Hunyo 9–13, 2025 sa Eurotel, North Edsa, Quezon City.

Layunin ng pagsasanay na ito na iugnay ang ating mga Kababayang Katutubo o “4K partner-beneficiaries” sa mga pribadong sektor upang maipakilala at mailaganap ang kanilang mga produkto. Isa rin itong paraan upang hikayatin ang mas malawak na pakikiisa ng pribadong sektor, magbigay ng teknikal na tulong sa pamamagitan ng kolaborasyon, palawakin ang pag-abot ng mga pamayanang katutubo sa merkado, at suportahan ang pangkabuhayang angkop sa kanilang kultura at pamumuhay.

Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng isang bidyo mula sa Bahaghari Global Food Inc, kung saan ipinakita kung paano matagumpay na na-iugnay ng 4K RFO MIMAROPA, sa pamumuno ni Alternate Focal Person, Mr. Edmar Mendoza, ang mga Katutubo sa mga potensyal na mamimili.
Sumunod ang mensahe ni Mr. Ruben See, Pangulo ng Philfoodex, kung saan ibinahagi niya ang mga kaganapan sa nakaraang Philippine Food Expo. Ayon sa kanya, isa itong magandang pagkakataon para maipakita ng ating mga Kababayang Katutubo ang kanilang mga produkto.

Sunod na nagsalita sina Mr. Jatin Lalwani, CEO at Mr. Jeffrey Manhilot, COO ng Market Reach International. Ipinaliwanag nila ang kahalagahan ng agri-entrepreneurship sa larangan ng agrikultura at kung paano sila makakatulong sa “packaging at branding” ng mga produkto ng ating mga Katutubo.

Kasunod nito, sina Mr. Henry James Sison, CEO ng Agro Digital PH, Mr. Raffy Tesoro ng Tesoro at Ms. Len Salita ng Waltermart Supermarket ang nagbahagi tungkol sa mga produkto ng kanilang kumpanya at kung paano ito maaaring mapagkunan ng oportunidad para sa ating mga Kababayag Katutubo. Ipinakita rin kung paano makakatulong ang Agro Digital PH sa lohistika at distribusyon ng produkto sa merkado.

Sa susunod na araw, tinalakay naman ni Ms. Hazel Christine R. Bayaca, Executice Director ng Kabalikat para sa Maunlad na Buhay Inc ang :Basic Financial Education for Farmers”. Tinuruan niya ang mga Kababayang Katutubo kung paano maayos na magtala, magbenta, at magplano ng negosyo—mula sa pagkuha ng hilaw na materyales hanggang sa pag-merkado ng produkto. Nagsagawa rin ng pagsasanay kung saan pumili sila ng isang produkto o bagay at ipapakita nila kung paano ito ihahanda para sa merkado.

Nagbahagi rin sina Ms. Isabel Donna Buergo, Pangulo ng Buergo Traders Corporation at Ms. Leonor Chavez ng Fenor Foods International Corporation tungkol sa kanilang mga kumpanya—ano ang mga produktong kailangan nila, at anong kalidad ang kanilang hinahanap. Nagkaroon din ng interaksyon sa mga Kababayang Katutubo upang talakayin ang mga posibleng ugnayan.

Sa huling bahagi ng pagsasanay, ipinakilala naman nina Ms. Luz Muyrong, COO, Sunlight Food Corporation at Mr. Christopher Moses Muyrong , Executive Assistant ang kanilang kumpanya. Tinalakay nila ang mga produktong kanilang kailangan at ang kalidad na hinahanap nila upang makabuo ng ugnayan sa mga Katutubo.

Isang espesyal na pasasalamat kay Mr. David De Joya, ang nangununa sa Marketing Section ng 4K NPMO, sa kanyang dedikasyon at patuloy na pagsuporta sa ating mga Kababayang Katutubo.
Lubos din ang pasasalamat sa mga 4K Regional Offices, mga Katutubong kaagapay na dumalo, at sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa kanilang tuloy-tuloy na suporta.

Nagpapasalamat din kami sa mga opisyal na dumalo na sina Dr. Constante J. Palabrica, DVM, Undersecretary for Livestock, Engr. Zamzamin L. Ampatuan, CESO I, Undersecretary for BARMM and Mindanao Concerns, Mr. Philip C. Young, Assistant Secretary and Special Assistant for Export Development, Ms. Jennifer Pia Sibug-Las, Former Chairperson of NCIP, at Ms. Marie Ann Constantino, Regional Technical Director for Operation of Region 11.

At siyempre, maraming salamat sa mga naging kaagapay natin sa pagsasanay at nakitang interes sa programa tulad ng DA- Agri-Business and Marketing Services, Department of Science and Technology, Pan de Manila, Mama Sita’s, at sa Mardak Global Export Inc.

#DepartmentOfAgriculture
#Agri-Entrep
#ParasaKatutubo
#Marketlinkage
#MasaganangAgrikultura