Skip to content

Atta Isigiran Sanchez Mira Association: Ipinapamalas ang Kahusayan sa Paghahabi

Ang Atta Isigiran Sanchez Mira Association, isang samahan ng mga katutubo at Farmers’ Cooperative Association (FCA) sa Sitio Pureg, Naddungan, Sanchez Mira, Cagayan, ay patuloy na ipinapamalas ang kanilang husay at pagkamalikhain sa paghahabi at paglalala ng mga likas at tradisyunal na produkto.

Noong Hulyo 22, 2028 , binisita ng 4K Program Team, kasama ang Regional Agriculture and Fisheries Information Section (RAFIS), ang kagubatang saklaw ng Ancestral Domain ng komunidad. Layunin ng pagbisita ang pakikipanayam sa mga Agta at masaksihan ang aktwal na pagkuha ng mga indigenous materials na ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang produktong katutubo gaya ng basket, duyan, walis, at sumbrero.

Ang gawaing ito ay patunay ng mayamang kultura ng mga katutubo at ng kanilang malalim na ugnayan sa kalikasan. Sa bawat habi at lalang, isinasalaysay ang kanilang tunay na pagkakakilanlan, tradisyon at karunungang taglay—mga pamana ng lahi na patuloy na isinasabuhay at ipinapasa sa susunod na henerasyon.

#DepartmentOfAgriculture

#4KProgram

#sa4kbidaangip

#RattanProducts

#DADOSAYOS

#da4kcagayanvalley

#maunladnaekonomiyaparasacagayanvalley

#masaganangagrikulturaparasacagayanvalley