Skip to content

Masaganang Ani at Maunlad na Pamayanan: Plastic Mulch Intervention mula sa DA 4K-Program

Bilang bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan upang matulungan ang ating mga katutubong magsasaka na mapaunlad ang kanilang kabuhayan at mapalakas ang sektor ng agrikultura, matagumpay na naipamahagi ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program ang mga ๐ฉ๐ฅ๐š๐ฌ๐ญ๐ข๐œ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐œ๐ก sa piling komunidad sa mga lalawigan ng ๐‘๐ข๐ณ๐š๐ฅ ๐š๐ญ ๐๐ฎ๐ž๐ณ๐จ๐ง.

Layunin ng interbensyong ito na ๐ฆ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐š๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐š๐ง๐ข ๐š๐ญ ๐ค๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐ˆ๐ง๐๐ข๐ ๐ž๐ง๐จ๐ฎ๐ฌ ๐๐ž๐จ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ฌ (๐ˆ๐) ๐Ÿ๐š๐ซ๐ฆ๐ž๐ซ๐ฌ sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya na akma sa kanilang lupang sakahan at kalagayang pang-agrikultura.

Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng mga Municipal Agriculture Offices, IP representatives, at 4K Program Staffs na masigasig na nag-abot ng suporta upang maging matagumpay ang distribusyon at pagsasagawa ng orientation hinggil sa tamang paggamit ng plastic mulch.

Ang DA-4K Program ay patuloy na naglilingkod sa mga Indigenous Cultural Communities (ICCs) na may layuning itaguyod ang inclusive growth sa agrikultura, upang ang mga nasa gilid ay mailapit sa gitna ng kaunlaran. Hindi lamang ito pagbibigay ng kagamitan. Ito ay pagbibigay ng pag-asa, kaalaman, at pagkilala sa kakayahan ng mga katutubo bilang tunay na haligi ng agrikultura.

#DepartmentOfAgriculture
#4KProgram
#MasaganangAgrikultura
#ParaSaKatutubo
#MasaganangAniMataasNaKita