Skip to content

“Gatas ng Kalabaw: Buhay at Pag-asa ng Ati”

Sa pangunguna ni Eleazar Valencia, isang miyembro ng pamayanang Ati at isang matiyaga at masipag na magsasakang Katutubo mula sa liblib na bahagi ng Mt. Tag-ao, Brgy. Tamulalod, Dumarao, Capiz, unti-unting nabubuksan ang mga bagong oportunidad para sa kanilang komunidad.

Noong taong 2022, naging isa si Eleazar sa mga benepisyaryo ng proyektong isinulong ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng programang Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K Program). Isa sa mga layunin ng programang ito ay bigyan ng kabuhayan at tulong ang mga katutubong pamayanan upang maisulong ang kanilang kaunlaran, lalo na sa larangan ng agrikultura.

Bilang bahagi ng programa, naipamahagi ang mga kalabaw sa piling mga Ati sa Dumarao, at si Eleazar ay napabilang sa mga Napili. Ang kalabaw ay matagal nang kinikilalang mahalagang bahagi ng agrikultura sa Pilipinas. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi lamang lakas ng kalabaw ang pinapakinabangan ng komunidad—kundi pati ang gatas nito na puno ng sustansya at may mataas na halaga sa merkado.

Si Eleazar ay ang kauna-unahang Ati sa kanilang lugar na nagsimula ng mag pagatas ng kalabaw (carabao milk production). Ang proyektong ito ay hindi lamang nagbibigay ng karagdagang kita sa kanilang pamilya, kundi nagbubukas din ng mas malawak na posibilidad para sa pag-unlad ng ekonomiya at agrikultura sa kanilang komunidad. Sa pamamagitan ng pagkikipagtulungan sa LGU-Dumarao 4K Focal Gng. Nima Salveo , Philipine Carabao Center sa pamumuno ni Dr. Myrtel Alcazar kasama ang 4K Focal na si Gng. Janice Cuaresma at teknisyan na si G. Rolen Trivelis.

Ayon kay Eleazar, ang proyekto ay naging inspirasyon sa kanyang kapwa mga Ati at sa iba pang mga magsasaka sa Dumarao, Capiz. Ipinapakita ng kanyang kwento na sa pamamagitan ng sipag, tiyaga, at dedikasyon, posible ang pagbabago at pag-angat ng pamumuhay, lalo na sa hanay ng mga katutubong Pilipino.

Ang kanyang halimbawa ay patunay na kung mabibigyan ng tamang suporta at oportunidad, kaya ng mga katutubo na makamit ang tagumpay at pag-unlad hindi lamang para sa sarili, kundi para rin sa buong pamayanan.

#DepartmentofAgriculture
#4KProgram
#4KPogramwesternvisayas
#Sa4kIPangBida
#GatasNgTagumpay
#LakasNgKalabawLakasNgAti
#MilkItForSuccess