Skip to content

Punlang Pangkabuhayan para sa Katutubong Pamayanan

Bilang bahagi ng layuning isulong ang pangmatagalang seguridad sa pagkain at kabuhayan ng ating mga kapatid na katutubo, ang Department of Agriculture โ€“ Cagayan Valley sa ilalim ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program ay nagsagawa ng pamamahagi ng iba’t ibang uri ng ‘fruit-bearing trees’ gaya ng lanzones, rambutan, cacao, durian, ‘banana planting materials’ at sweet abulug pomelo para sa mga piling Indigenous Peoples Organizations (IPOs) sa buong Rehiyon Dos.

Layunin ng programang ito na palakasin ang agroforestry-based livelihoods ng mga katutubong grupo, makatulong sa pangalagaan ang kalikasan habang pinapaunlad ang lupang ninuno, magbigay ng alternatibong pagkakakitaan mula sa mga ani ng prutas sa darating na panahon at itaguyod ang kultura at kasarinlan ng mga pamayanang IP sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kontrol sa kanilang likas-yamang lupa

Ang inisyatibong ito ay isinagawa katuwang ang mga Local Government Units (LGUs), Municipal/Provincial Agriculture Offices, National Commission on Indigenous People (NCIP) at mga IP leaders upang masiguro ang maayos na pagtanggap, pagtatanim, at pangangalaga ng mga punla sa kani-kanilang komunidad.

#DepartmentOfAgriculture

#4KProgram

#Sa4KBidaangIP

#FruitTreesDistribution

#DADOSAYOS

#da4kcagayanvalley

#maunladnaekonomiyaparasacagayanvalley

#masaganangagrikulturaparasacagayanvalley