Skip to content

Tatlong Araw na Pagsasanay sa Ube, Livestock at Organikong Agrikultura, Isinagawa sa Balangabang, Kayapa, Nueva Vizcaya

Aktibong dinaluhan ng mga kasapi ng Balangabang Agriculture Fisheries and Forestry Association (BAFFA) ang tatlong araw na pagsasanay na tumutok sa wastong pagtatanim ng ube, pag-aalaga ng hayop gaya ng kalabaw at kambing, at organikong agrikultura.

“Pagyamanan mi iti daytuy a naydanun nga pa-training iti 4K Program dituy asosasyon mi, aglalo iti ube agsipud ta umuna a gundaway mi daytuy a panagpatubo. Kasta met a namnamaen mi iti panagtultuloy daytuy a programa nga ipaayan da kami iti naduma-duma a klase iti dingwen tapnu maiplikar mi dayjay livestock training a naadal mi,” pahayag ni G. Robert Comising, Presidente ng BAFFA.

Kabilang sa mga kalahok na masayang nagbahagi ng kanilang karanasan at kaalaman sa organikong agrikultura ay sina Gng. Jenning Fernandez, Gng. Jovena Alam-am, Gng. Ninigen Ventura, at Gng. Feliza Velasco. Ayon sa kanila, hindi na bago sa kanila ang paggamit ng organikong pataba at mga natural na concoction tulad ng Fermented Plant Juice (FPJ), Fermented Fruit Juice (FFJ) at Indigenous Microorganisms (IMO).

Ang nasabing pagsasanay ay bahagi ng 4Ks Program (Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo) na ipinatutupad bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Layunin ng programang ito na palakasin ang sektor ng agrikultura sa mga pamayanang katutubo sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman, kasanayan, at suporta sa mga lokal na magsasaka at mangingisda.

#DepartmentOfAgriculture

#4KProgram

#Sa4KBidaangIP

#OrganicAgricultureTraining

#LivestockProduction

#UbeProductionTraining

#DADOSAYOS

#da4kcagayanvalley

#maunladnaekonomiyaparasacagayanvalley

#masaganangagrikulturaparasacagayanvalley