Matagumpay na isinagawa noong Agosto 4-5, 2025 ang pagdiriwang ng International Day of the World’s Indigenous Peoples (IDWIP) bilang pagkilala, paggalang, at pagbibigay-pugay sa ating mga kababayang katutubo.
Sa pangunguna ng DA-4K Program, inimbitahan ang mga Katutubo upang maipakita ang kanilang likhang-sining at produkto—mula sa paghahabi, paglalala (“handmade products”) hanggang sa sari-saring gulay—na ibinebenta sa loob ng Department of Agriculture Regional Field Office No. 02.
Kabilang sa mga lumahok na pangkat o Indigenous Peoples Organizations (IPOs) ay ang mga sumusunod pati na ang kanilang napagbentahan:
Cagayan IPOs:
Agta Diget iti Palaui =₱3,480.00
Pasantaken ti Atta iti Gonzaga =₱6,000.00
Agta Agkaykaysa Association= ₱3,689.00
Atta Isigiran Sanchez Mira Association = ₱8,752.00
Isabela IPO:
Mabegsak nga Magsikaw nga Agta ti Dibuluan Association =₱1,200.00
Nueva Vizcaya IPOs:
Balangabang Agriculture, Fisheries, and Forestry Association (BAFFA)=₱1,191.00
Bugkalot Ancestral Domain Agriculture Cooperative (BADAC)=₱4,450.00
Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa direktiba ng Pangulo na naglalayong paunlarin at palakasin ang sektor ng agrikultura, habang pinapahalagahan ang kultura at kontribusyon ng ating mga Katutubo.
#DepartmentofAgriculture
#4KProgram
#sa4kbidaangip
#IDWIP2025
#DADOSAYOS
#da4kcagayanvalley
#maunladnaekonomiyaparasacagayanvalley
#masaganangagrikulturaparasacagayanvalley