Si Freddie Blancaflor ay isa sa mga benepisyaryo ng Department of Agriculture- Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program mula sa tribong ATA sa Sitio Manara, Barangay Celestino Villacin, Cadiz City, Negros Occidental. Ang kanilang tribo, na binubuo ng 531 katao, ay organisadong miyembro ng Cadiz ATA Indigenous People Farmers Association na rehistrado sa DOLE at tinutulungan ng NCIP.
Noong 2021, tumanggap sila ng tulong mula sa 4K Program tulad ng kalabaw, baboy, manok, pananim, at mga pagsasanay sa tamang pag-aalaga ng hayop. Ayon kay Freddie, malaki ang naging pagbabago sa kanyang buhay dahil sa programa. Mula sa sirang bahay na yari sa nipa, ngayon ay mas maayos na ang kanyang tirahan. Kasalukuyan siyang nag-aalaga ng apat na baboy na nagsisilbing pangunahing kabuhayan ng kanyang pamilya.
Lubos ang kanyang pasasalamat sa 4K Program na nagbigay sa kanila ng kabuhayan at pag-asa. Umaasa siyang magpapatuloy ang programa upang mas marami pang katutubong pamilya ang makinabang at umasenso.
#DepartmentofAgriculture
#4KProgram
#Sa4KBidangIP
#KwentongTagumpay
#FredieBlancaflor