𝐁𝐀𝐒𝐀𝐇𝐈𝐍: Pagsasanay sa Lowland Vegetable (Pinakbet) Production at Pest and Disease Control Management
Isinagawa ng Department of Agriculture – Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program ang Training on Lowland Vegetable (Pinakbet) Production with Pest and Diseases Control Management noong Hulyo 9-10, 2025 sa Brgy. San Jose Anyao, Catanauan, Quezon.
Layunin ng pagsasanay na mapalawak ang kaalaman ng mga magsasaka sa pagtatanim ng mga gulay sa mababang lupa gaya ng kalabasa, sitaw, okra, at iba pang sangkap ng Pinakbet. Tinalakay rin ang wastong pagtukoy at pamamahala ng mga peste at sakit ng pananim upang masigurong ligtas at masagana ang ani.
Binigyang inspirasyon ng kanilang pambungad na pananalita sina Ms. Jacqueline G. Sunga, Alternate Focal Person ng 4K Program, at Ms. Angela L. Ducot, IPO President ng Samahang may Pagkakaisa ng Katutubong Aeta, na nagpaalala sa kahalagahan ng aktibong partisipasyon ng mga katutubo sa mga ganitong inisyatibo.
Ibinahagi ni Ms. Meriam N. Pastrana, Agricultural Technologist mula sa OMA – Catanauan, ang mga teknik sa pagtatanim ng lowland vegetables. Kabilang sa kanyang tinalakay ay ang paghahanda ng lupa, pagpili ng kalidad na binhi, tamang agwat ng tanim, paggamit ng organikong pataba, at maayos na iskedyul ng pagtatanim.
Nagbahagi rin si Mr. Roderick R. Rosales, Agricultural Technician I mula sa Office of the Municipal Agriculturist (OMA) – Catanauan, ang tamang paghahanda ng lupa, pagpili ng barayti ng mais na angkop sa lokal na klima, tamang panahon ng pagtatanim, at paggamit ng organikong pataba upang mapataas ang ani.
Samantala, si Mr. Marvin R. Pateña, Agriculturist I, ay nagturo ng cultural management practices sa calamansi, at ibinahagi ang Integrated Pest and Disease Management (IPDM) para sa mas epektibong pagkontrol sa mga peste at sakit na umaatake sa tanim.
Nagbahagi rin si Ms. Aiza Romero ng kanyang kaalaman sa Soil Quality Management, kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsusuri sa lupa, paggamit ng compost at vermicast, at pagpapanatili ng tamang pH level upang mapanatili ang sustansya ng lupa.
Lubos ang pasasalamat ng 4K Program CALABARZON sa lahat ng tagapagsalita, katuwang na ahensya, at higit sa lahat, sa aktibong pakikibahagi ng mga kababayang katutubo. Inaasahang ang mga kaalaman at kasanayang natutunan ay magiging susi sa mas masaganang ani at mas maunlad na pamumuhay ng kanilang komunidad.
#DepartmentofAgriculture
#4KProgram #TrainingonLowlandVegetable(Pinakbet)ProductionwithPestandDiseasesManagementControl
#MasaganangAgrikultura
#ParasaKatutubo