TINGNAN I “Sigurado ang Tubo sa Negosyo ng Katutubo”
Isang matagumpay na pagsasanay sa Pagmemerkado ng Cassava, Mais, at Gulay ang isinagawa noong Hulyo 8–10, 2025 sa Francesca Hotel and Resort Inc., Brgy. San Isidro, Puerto Galera, Oriental Mindoro para sa ating mga Indigenous People’s Organizations (IPOs).
Pinangunahan ito ng mga eksperto sa larangan ng agrikultura at marketing: Christian Generato mula sa Provincial Agriculture Office (PAGO), Joel Ryan Pagdato at Mark Joseph Buñag mula sa Agricutural Training Institute (ATI) at Jayrick Supetran mula sa Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD)
Tinalakay ang mga estratehiya sa pagpapalawak ng merkado, dagdag kita, at mas matalinong pagbebenta ng ani para sa mas maunlad at makabuluhang kabuhayan ng ating mga IP. Sa pamamagitan ng mga interaktibong diskusyon at mga aktwal na senaryo base sa exercises, mas naunawaan ng mga kalahok ang kahalagahan ng koordinasyon, kalidad, at tamang presyuhan sa pagbebenta ng kanilang ani. Binigyang-diin ng mga tagapagsalita na sa tulong ng kolektibong pagkilos, teknikal na kaalaman, at suporta mula sa iba’t ibang ahensya, posible ang tuloy-tuloy na pag-unlad.