Skip to content

DA-4K Central Luzon Mid-Year Assessment at Cultural Showcase!

Tingnan| Matagumpay na naisagawa ang DA-4K Central Luzon Mid-Year Assessment at Cultural Showcase!

Mas pinalakas na BOSES NG MGA KATUTUBO!

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagtipon-tipon ang mga magsasakang katutubo mula sa iba’t ibang panig ng Gitnang Luzon upang ilahad ang kanilang mga karanasan, pangangailangan, at tagumpay bilang mga benepisyaryo ng 4K Program ng Department of Agriculture.

Dinaluhan ito ng mga piling benepisyaryo mula sa hanay ng mga magsasakang katutubo sa Gitnang Luzon kabilang ang mga lalawigan ng: Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac at Zambales. Kasama nila ang kani-kanilang kinatawan mula sa tanggapan ng Municipal at Provincial Agriculture Office, pati na rin ng National Commission on Indigenous People (NCIP) sa pangunguna ni Mrs. Romelyn L. Maranes, Regional NCIP Focal Person, upang suportahan ang adhikain ng programang tunay na para sa kumunidad ng mga Katutubo.

Tinalakay ang re-orientation ng programa at mga panuntunan nito—isang mahalagang hakbang upang mas maging epektibo at makabuluhan ang mga interbensyong para sa mga katutubo, ito ay pangunguna ni Ms. Melody M. Valdez, Regional 4K Program Focal Person at Mr. Stephen V. Miclat, Community Development Officer.

Bilang pagtatampok, nagpakitang-gilas ang bawat grupo sa isang makulay na Cultural Showcase, kung saan ipinamalas nila ang mayamang kultura, kaugalian, at natatanging produkto ng kanilang pamayanan sa pangunguna ni Mr. Gerome B. Santiago, Community Development Officer, kasama ang DA-RFO3 4K Program staff.

Isang makasaysayang pagtitipon ng pagkakaisa, kultura, at pag-unlad! 🌾

#DA4KProgram

 #DA4KProgramGitnangLuzon

#SaGitnangLuzonKatutuboyAahon

#KatutuBOOM!