Skip to content

60 Kambing at 10 Kalabaw, Ipinamahagi sa mga Kababayang Katutubo sa Cagayan Valley!

Bilang suporta sa ating mga kapatid na Katutubo, namahagi ang Department of Agriculture โ€“ Regional Field Office 02, sa pamamagitan ng Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K) Program, ng 60 kambing at 10 kalabaw sa piling Indigenous Peoples Organizations (IPOs) mula sa mga lalawigan ng Isabela, Cagayan, Quirino, at Nueva Vizcaya sa Rehiyon Dos.

Ang mga naturang hayop ay magsisilbing karagdagang kabuhayan at mapagkukunan ng pagkain at kita ng mga benepisyaryo. Ang mga kambing ay maaaring paramihin  habang ang mga kalabaw naman ay makatutulong sa mga gawaing pangsakahan.

Ang programang ito ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaas ang antas ng kabuhayan sa sektor ng agrikultura lalo na sa ating mga kapatid na Katutubo.

#DA4KProgram

#DADOSAYOS

#masaganangagrikulturaparasacagayanvalley

#maunladnaekonomiyasacagayanvalley